Nakaisa na naman si Anne Curtis nang maka-bonding nito ang K-drama heartthrob na si Park Seo Joon para sa pagbabalik Pilipinas nito noong July 12.
Winner na winner ang peg ng “It’s Showtime” host nang makasalumuha nito sa stage ang “Itaewon Class” at “What’s Wrong with Secretary Kim” actor para sa fan meet event ng Century Tuna.
Napa-sana all naman ang mga fans ni Anne, dahil hindi lang ito ang unang pagkakataon na makabonding nito ang mga K-drama stars. Ilang ulit na din kasi nitong nakikita ng personal at nakaka bonding si Park Bo Gum, at kamakailan lamang pati ang buong cast ng “Good Boy” sa Amazon Prime.
Pati ang tunay na Gong Yoo ay naka-selfie na rin niya sa kasagsagan ng pagkahumaling niya sa “Goblin.”
Suki din si Anne sa mga fashion events na dinadaluhan ng mga sikat na Korean actors at K-pop idols.
How to be you po, Anne Curtis?