House of Dragons Pinoy edition! Mga siyudad sa Pilipinas, ginamitan ng AI para gawing lugar sa Westeros

Naisipan ng content creator na si Nate in the City na iugnay ang mga siyudad sa Pilpinas sa mga kaharian ng Westeros hango sa “Game of Thrones” at “House of Dragons.”
Found this article interesting? Help others discover it too!

Paano kaya ang magiging itsura kung ang mga siyudad sa Pilipinas ay gawing bersyon ng mga pangunahing kaharian sa Westeros? Isang House of Dragons fan ang sumagot sa tanong na ito sa pamamagitan ng AI kung saan ipinakita niya kung alin-aling lugar ang aakma sa kwento ng “Game of Thrones.”

Bilang kapitolyo ng bansa, ang Manila ang maaaring tumayo bilang King’s Landing kung saan ang lahat ng klase ng tao mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay nagtitipon upang makipagsapalaran. Dito din matatagpuan ang Palasyo ng Malacañang kung saan nakabase ang lider ng bansa.

Patok din ang Cebu bilang Dragonstone, bilang isa sa pinakamalaki at kawili-wiling lugar para sa mga nais malaman ang kultura ng Pilipinas. Ang lawak ng kanilang sakop at dami ng mamamayan dito ay isa ring maituturing na indikasyon ng pagiging political stronghold nito.

Sa Mindanao naman, ang Cagayan de Oro ang maaring ituring na Pentos, at ang General Santos City ay Yunkai, malapit sa karagatan at sentro ng komersyalismo. Hindi naman nakakapagtaka na ang summer capital na Baguio City ay itinuturing na Winterfell kung saan tagginaw sa buong taon.

Ang Angeles City naman ang Pinoy bersyon ng Myr, na hitik sa iba’t ibang kultura at ang Lipa naman ang Norvos, isang sentro ng tahimik at payapang pakikipag ugnay sa ispiritwalidad.