HORI7ON, BINI at EXO Xiumin, tampok sa Samsung AI event sa BGC? Fans excited na para sa July 13!

Excited na ang mga fans ng HORI7ON, BINI at EXO para sa BGC event kahit wala pang pormal na anunsyo para sa concert.

Usap-usapan ngayon sa mga fandoms na ANCHOR, Bloom, at EXO-L ang balitang itatampok sa Samsung AI event ang HORI7ON, BINI at Korean singer-actor na si Xiumin,

Nagmula ang balita sa isang fan na nag-post ng isang memo sa elevator kung saan inaabisuhan ang venue sa BGC tungkol sa mga preparasyon para sa gagawing event kung saan bibida ang rookie all-Pinoy K-pop group na HORI7ON, nation’s girl group na BINI at EXO vocalist na si Xiumin.

Kahit wala pang opisyal na kumpirmasyon ang Samsung tungkol sa kumakalat na balita, maraming fans na ang humihiling na maging maayos ang security ng event sa July 13 para manatiling ligtas ang kanilang mga idolo, lalo na kung magiging free event ito na dadaluhan ng 15,000 katao.