Kung ang iba ay todo effort para mapaganda ang kanilang cover ng mga kanta ng HUNTR/X ng “KPop Demon Hunters,” isang Pinoy fan naman ang naging iba ang trip dahil ginawang mashup ang isang track ng fictional K-pop girl group sa theme song ng isang Disney series.
Sa TikTok post ni Marki Nicole (@adkidoesrealtalk) na nagpatawa sa netizens, bigay na bigay ang kanyang pagkanta ng “What It Sounds Like” kahit medyo sablay ito at kung sa palabas ay tiyak na mabibiyak ang Honmoon.
Pero maya’t maya pa ay nag-iba na ang lyrics at pati tono dahil sumegue na pala ang kanta sa opening theme ng Disney Jr. series na “Sofia the First.”
@akidoesrealtalk #fyp #kpopdemonhunters ♬ original sound – marki cole 🙂
Umani naman ng mga nakakatawang hirit ang remix ni Marki mula sa netizens at fans ng Netflix film:
“ung honmoom bhe 😭 mabibiyak na.”
“kaya hindi nagiging gold yung honmoon eh 😭”
“Celine, paano to nakalusot?”
“Sofia the first demon hunter😭”
“may natitirang demon pa pala😭”
“didn’t see that coming 😭”