Historic Sibonga Church sa Cebu, ready na sa extreme glow-up!

Naglaan ng mahigit Php100 million pondo ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority para sa rehabilitasyon ng Nuestra Señora del Pilar Parish Church at ang kumbento nito sa Sibonga town, Cebu, na isang historical site.

Para muling ibalik ang ganda ng Nuestra Señora del Pilar Parish Church at ang convent nito sa Sibonga town, Cebu, isang major glow-up ang nakaplano para dito.

Mahalaga ang hakbang na ito dahil idineklarang Level 2 historical site ang simbahang ito noong Disyembre 2010 ng National Historical Commission of the Philippines.

Nasira ang simbahan noong Disyembre 2021 dahil sa hagupit ng Super Typhoon Odette, ngunit magbabalik ang dating kagandahan nito matapos maglaan ng mahigit Php100 million na pondo ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority para sa kanyang rehabilitasyon.

Kilala ang simbahan sa kanyang magandang interior artworks, lalo na ang ceiling mural nito.

“We will make everything look good. It’s just a matter of extreme urgency,” ani Governor Gwen Garcia, sa ulat ng The Freeman.

Nakatuon and rehabilitasyon sa ilang “key areas” ng interior ng simbahan gaya ng belfry, sacristy at mga lumang wooden furniture para magamit ulit ang mga ito.

Aayusin din ang nasirang pediment cross, i-rerepaint ang nabuburang pangalan ng simbahan, at papalitan din ang mga luma at naagnas na wooden grills at breeze blocks sa front facade nito.