Hindi uubra ang cute lang! Mapilit na muning, hindi pinalusot sa Hermes store

Nakipag-patintero ang isang makulit na pusa para makapasok sa isang Hermes store pero hindi ito umubra sa maagap na staff.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kapag pupunta ka sa mga designer stores na tulad ng Hermes, kadalasan ay hindi sila nagpapapasok ng mga walang appointment. Ngunit hindi lang pala sa tao mahigpit kundi maging sa mga hayop, kahit gaano pa sila ka-cute.

Sa isang video, ipinakita ang isang Birman cat na nakikipagpatintero sa doorman ng Hermes dahil nais niyang pumasok at makiusyoso sa mga paninda sa loob habang nasa trabaho ang kanyang amo.

Hindi naman nakaligtas ang muning sa istriktong empleyado dahil hindi talaga siya pinalusot nito kahit na mapilit ito.

Mukhang kilala din naman siya ng mga tao sa mall dahil tinawag nila ito sa kanyang pangalan. Kahit hindi umepekto ang pagpapa-cute sa mga staff ng tindahan, para naman siyang celebrity dahil pinagkaguluhan siya ng mga customer na papalabas sa tindahan.

(Facebook/Hasan Ashraf Ali Murshed)

“Marami namang nakisimpatya sa pusa.”

“Damn cat needs a Birkin! Let it in!”

“Let him shop dammit”

“Put a kitty in any store and watch sales soar”

“Better Marketing, She drawing more customer your way.”