Hindi na-inform! ‘Fake’ cake nagpatawa sa guests sa isang LGBT wedding

Agaw-eksena ang cake sa kasal ng isang LGBT couple nang mapansin nilang styro pala ang kanilang hinahati.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Agaw-eksena ang cake sa LGBT wedding nina content creators Hergie Bacyadan at Lady Denily nang hindi sila na inform kung anong bahagi ang dapat nilang hatiin para sa pictorial.

Sa isang nakakatawang eksena ng magsing-irog, pinakita kung paano nilang pinagtulungang hatiin ang pinakailalim na layer ng kanilang three-tier cake. Ngunit nagtataka sila na kahit anong pilit nila ay hindi pa din ito matinag.

Kalaunan ay napansin ng mga netizen na nagtatawanan ang mga bagong kasal nang mabutas na nila ang “cake” at ma-realize na styro pala ito.

Madali naman silang nakapag adjust at inilipat ang kutsilyo sa pangalawang layer upang matapos na ang pictorial sa cake feeding.

Di napigilang mapa-comment ang ibang mga netizens sa “Wow Mali” moment ng bagong kasal:

“Sana po hindi na Styro ung cake nyo mga idol”

“Bayan parang inluv na inluv aq pag pinapanuod ko kayo …haistt kainis ganto nlng ba aq laging napapasana all sa relasyon ng iba”

“At least my Cake padin po”

“Ang cute Ng tawa Ni bride…ganda mo mam”