Hindi na favorite: Netizen natawa dahil ang daughter sa highlight ng kanyang tatay ay kanilang aso

Thread user, na-dethrone ng kanilang aso bilang favorite daughter ng kanyang ama.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw ang marami sa post ng isang thread user na ang pangalan pa naman at @‌anak_ni_andy matapos mabuksan ang highlight reel ng kanyang ama na may title na “me and my daughter.”

Magiging emotional na sana ang OP na si Abbie ngunit pagbukas ng highlight ay lumabas ang video ng kanyang ama at ng kanilang aso. Ang alaga pala ang daughter na tinutukoy ng kanyang daddy.

https://www.threads.com/@anak_ni_andy/post/DQ3duEPEjPf?xmt=AQF0C8Zh4X0LYULwXjFAk8ZHiVwsEPQaoSBZFAKN0oFcdA

Natawa na lamang ang mga netizen sa reaksyon ng OP dahil nga mukhang na-dethrone na ito sa paningin ng ama bilang favorite daughter.

Marami naman ang nagsabi na baka kailangan siya na lang ang tumahol para mapansin din siya ng kanyang tatay. Ironic anila samantalang ang thread user pa naman na ginagamit niya ay proud siya sa pagiging anak ni Andy.