Hindi magsu-survive sa ‘A Quiet Place’! Reklamador na pusa, walang kebs sa pananaway ng fur mom

Kung totoo ang mga halimaw sa pelikulang, “A Quiet Place” mapapahamak na tiyak ang fur mom ng isang reklamadorang pusa.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagpaalam na agad-agad ang mga cat lovers sa internet dahil sa isang pusang reklamador at hindi matahimik ang bunganga kahit na takpan na ng kanyang fur mom ang kanyang bibig.

Ayon sa post ng Meowmily, ipinakita niya kung bakit hindi sila magus-survive kung totoo nga ang scenario sa pelikulang, “A Quiet Place.”

Paano ba naman kasi, hindi mapigilan ng pusa ang lalong mag-ingay habang sinasaway siya ng kanyang fur mom.

Matatandaang sa horror film na “A Quiet Place” nati-trigger ang mga mala-alien na halimaw sa kahit anong tunog at agad nitong binibiktima ang pinagmumulan nito.

“Siguro 1min lang po scene niyo niyan kapag ganyan si Yuna kaingay” “Naku bagsak ka sa audition nyan yuna bawal maingay….so cutieeeee” “hahaha goodbye sainyo in advance pahamak si mingming”