Hindi lingid sa karamihan na isa si Nadine Lustre sa mga celebrities na may pinaka-aesthetic na Instagram account. Dito idinadaan ni Nadz ang kanyang creativity kaya’t bawat larawang kanyang ina-upload ay panigurong aesthetic.
Kaya naman ang kanyang mga fans, todo abang sa kanyang mga bagong pasabog, maging Fashion Week photo man, beach adventure, at kung ano-ano pang ganap sa kanyang life.
Sa isa niyang post, agaw-eksena na naman ang itinuturing na Internet’s President dahil sa simple pero astig na elemento ng kanyang picture.
Pansin ng mga netizens na ibinagay ni Nadz ang kanyang porma na faded ensemble sa kupas na pintura sa isang tourist destination sa Bangkok, Thailand kung saan siya nakabakasyon ngayon.
Siyempre, sakto din sa rule of thirds ang kanyang pwesto at hindi din nakalusot sa mga fans ang simpleng mensahe niya habang nakatapak sa mala-chessboard na sahig. Saktong reyna ng chess ang kanyang peg.
“The Queen is the most powerful piece!”
“The outfit and the face never declines”
“Pinatanggal ni Nadine yung pintura para estetik”
“Kaya pala 42 ang heat index!”