Hindi lang dapat matapos sa ayuda! Success story ng isang mag asawa, nagsilbing paalala kay Mayor Vico

Marami ang sumang ayon kay Mayor Vico Sotto na hindi lahat ay dapat iasa sa ayuda.

Naantig ang kalooban ni Mayor Vico Sotto sa isang mag asawang may ari ng bakery sa Pasig nang ibahagi ng mga ito kung paano nila napayabong ang Supplemental SAP na ipinamahagi sa lahat ng pamilya sa Pasig noong nong pandemya.

Dahil daw sa kanilang P8K na puhunang natanggap, nakapagsimula sila ng small business na hanggang ngayon ay bumubuhay sa kanilang pamilya.

“Yung success story nila, magandang paalala rin sa akin na dapat hindi nagtatapos sa “ayuda” o “short term” ang tulong ng gobyerno” ani Mayor Vico.

“Totoo, minsan kailangan talaga ng tulong pinansyal at meron naman tayo lagi nun. Pero kung gusto nating tunay na tumaas ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilya, kailangan din mag focus sa mga bagay katulad ng techvoc, livelihood, at microfinancing program ng LGU,” dagdag pa niya.

Marami ang sumang ayon sa prinsipyo ng batang mayor.

Gusto q n tlaga lumipat s Pasig 😊😊😊

Yay! Kapitbahay namin yang bakeshop! Ganda at sarap din mga cakes nila 😊

Tama po Mayor, dapat po turuan natin ang mga tao ng livelihood hindi lang po nakasahod ang kamay, turuan sila ng sustainable livelihood para mapaunlad ang pamumuhay ng bawad pamilya.