Hindi kailangang maging magarbo ang kasalan para ito ay maging meaningful. Ito ang pinatunayan ng model at content creator na si Lenie Aycardo at ang kanyang partner, ang makeup artist at stylist na si Hajie Alejandro nang magdesisyon silang magkaroon ng intimate na civil ceremony bago dumating ang kanilang baby.
Sa isang video na ipinost sa Team Hajie channel ng dalawa, umaapaw ng mga touching messages ang newlywed couple sa isa’t isa, patunay na natagpuan na nila ang kanilang forever sa piling ng bawat isa.
“Lenie, gusto kong magpasalamat ka sa dumating ka sa buhay ko. Simula lang dumating ka, nakumpleto mo ako. Sa buhay ko maraming pagbabago, maraming pagkukulang na hindi ko nakuha, pero simula nang nakilala ka, talagang kumpleto ako. When everyone doubted who I could be, you stayed by my side, Thank you so much,” ani Hajie,
Para naman kay Lenie, ang kanyang partner ang nagkumpleto ng kanyang buhay at nagbigay sa kanya ng kumpiyansa para makamit ang kanyang mga goals.
“As we embrace the journey into parenthood, we’ve chosen to celebrate our love with a civil and intimate wedding. While it may not be the grand affair we once envisioned, it is a heartfelt and authentic expression of our commitment to each other. Ultimately, it’s the marriage that truly matters, not just the wedding,” anila sa kanilang video.
Matatandaang sina Lenie at Hajie ang nagpasimula ng viral na Asoka transformation video sa Pilipinas na umani ng milyon-milyong views sa TikTok at iba pang social media platforms.
Nagbunyi naman ang kanilang mga followers sa naging desisyon ng dalawa para sa kanilang pamilya.
“For me this is the best wedding ang cute si groom pa nag make up kay bride very memorable sa inyong mag asawa, WERPA TEAM HANIE”
“What I admire sa inyo is that you got married kahit civil muna bago dumating si baby Bangs! God bless sa inyong marriage at sa inyong family!”
“Yung ganitong wedding lang. Wala program or any. Masaya din ung may part na nakipag engage Sila sa mga guests. Ansaya lang.”