Hindi na aasa sa ulan ang mga residente ng Guindacpan Island in sa Talibon, Bohol para makainom ng tubig dahil ngayon, mayroon na silang water desalination system.
Sa tulong ng World Bank, Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture, at ng provincial government ng Bohol, nakabili ang lokal na pamahalaan ng mga solar-powered water desalination plants na nagkakahakaga ng Php13 million para sa isla, ayon sa ulat ng Inquirer.net.
Nagiging inuming tubig para sa mahigit sa 2,520 katao sa isla ang tubig-dagat pag dumadaan na ito sa water desalination system, isang device na ginagaya ang natural water cycle.
Maaari namang kumuha ng tubig sa Guindacpan ang mga residente ng mga kalapit na isla at wala na silang babayarang Php14 per gallon dahil sagot na ito ng lokal na pamahalaan.