Heart surgery vibes! Bretman Rock nagbigay ng tutorial para hindi mabali ang katol

Muli na namang ipinamalas ni Bretman Rock ang kanyang pagka-Pinoy.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa Fil-Am social media influencer na si Bretman Rock, karaniwan na ang mga bagay na very Filipino sa kanyang pamamahay dahil ito na ang kanyang kinagisnan. Kaya naman tuwing may pagkakataon na pwede niyang i-flex ang kanyang Filipino roots ay ginagawa niya ito.

Sa isang bagong video, nagbigay ng tutorial si Bretman tungkol sa katol na karaniwang nakikita sa mga bahay ng mga Pinoy bilang pantaboy sa mga lamok.

Aniya, bagaman hindi naman eksklusibo ang katol sa mga Pinoy, karaniwan nga ito sa mga bahay ng mga Asyano.

Itinuro din ni Bretman ang tamang paraan ng paghihiwalay ng katol, na madaling mabali kung pupuwersahin.

Marami namang mga netizens ang napa-throwback dahil sa video ni Bretman:

“The MOSQUITO COIL….my whole childhood went by choking on its smoke but way before mosquito refills and machines came…..this kept us safe from all diseases”

“Imagine as a kid who’s in charged of our sarisari store, I need to carefully separate the two katols apart while the buyer is staring at me hahahaha”

“Others would think of de-coiling katol is like the dalgona cookie in Squid Game lol”

“I can smell it in my head right now. Childhood memories”