Heart Evangelista, may kikay na hirit sa Paris Fashion Week

Kikay na kikay pa rin si Heart Evangelista kahit saan basta may Pinoy na nakita.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kahit shalang shala ang outfit para sa Paris Fashion Week, kikay na kikay pa rin si fashion icon Heart Evangelista basta’t may makasalubong na kapwa Pinoy.

Sa isang video na uploaded ng fan, sumagot si Heart ng batiin siya ng kanyang supporter. Pabiro din niyang sinabi na bibili lang siya ng corned beef dahil bonggang bongga ang kanyang porma.

(Facebook/Heart Evangelista)

Matatandaang running joke sa mga fans ni Heart ang katagang ito dahil minsan na siyang rumampa ng naka gown para pumunta sa grocery at bumili nga ng corned beef.

“Love it ang ganda goddess to all goddesses”

“Kay sexy naman ni miss”

“Pag mayaman cornbeef pag mahirap Sardinas love u heart”