Heart Evangelista, kinaaliwan sa pakikibonding niya sa isang K9 sa isang mall sa Makati

Pinatunayan muli ni Heart Evangelista na isa siyang tunay na dog lover sa isang TikTok video kuha ng isang K9 handler.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kinilig ang isang K9 handler sa isang shopping mall sa Makati nang mismong ang global fashion icon na si Heart Evangelista ang personal na nagpakain ng treats sa kanyang alagang aso na si Ivy.

Sa TikTok video na in-upload ni @zhanille, makikitang kahit naka-bonggang outfit si Heart ay hindi siya nagdalawang-isip na lumuhod sa tabi ng aso para pakainin ito. Si Ivy ay naka-assign bilang service dog sa SM Makati.

Habang enjoy si Ivy sa kanyang treat, ramdam na ramadam naman ng kanyang handler ang kilig.

“Iba yung saya ng alaga ko kasi alam niyang dog lover ang nag-iisang Ms. Heart Evangelista,” caption ng uploader, na halata rin na pati siya ay hindi makapaniwala sa kanilang unexpected moment kasama ang aktres.

@zhanille Iba talaga pag Dog lover❤️ Ms.Heart Evangelista 😍 Grabi sia mismo nag pakain ng treats Kay K9 Ivy ng SM MAKATI and Grabi sa super BAIT 😊❤️Iba Yung Saya ng ALAga ko Kasi alam niyang dog lover Ang nag iisang MS. @Heart Evangelista 🦮❤️#k9Ivywithmsheart #k9ivy #k9unit #k9 #smmakati ♬ original sound – LIZAAA🖤🌈