Heart Evangelista, itinuro sa fans kung paano umutot ang mga sosyal

Aliw ang mga fans sa pagka-down to earth ni Heart at sa pagsagot nito ng mga makukulit na tanong ng kanyang mga followers.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Matapos ang kanyang viral tutorial para sa rich girl laugh ay nakiloko na naman si Heart Evangelista sa kanyang makukulit na fans na ngayon ay tinatanong naman siya kung paano ang diskarte ng mga sosyal sa pag utot.

Kahit na jologs ang tanong ay game pa rin itong sinagot ni Heart. Ayon kay Heart, simple lang ang galawan para hindi mahalata na may pinapasabog na di magandang amoy.

Simpleng tayo lang at kunwari ay nagwiwisik ng mamahaling pabango – voila! Nasugpo na agad ang pasabog bago pa man ito kumalat sa mga katabi.

Marami naman ang nakapulot ng teknik kay Heart na mukhang gagamitin din nila sa susunod. Marami din ang natuwa sa pagka-game ng fashion icon sa mga makukulit na tanong ng kanyang mga fans.

(Heart in Fashion World/FB)

“hahaha heart kaloka ka”

“Ang sosyal omutot”