Content creator na may edad, nakikipag-agawan sa mga bata sa tradisyonal na pabitin game sa isang children's party.

‘Healing the inner child’ mode nauwi sa all-out pabitin moment sa isang children’s party

Viral! Content creator, nag-all-out sa pabitin ng children's party para 'i-heal ang inner child.' Sobrang competitive na kinagiliwan ng netizens!
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa competitive na content creator na ito, walang “give chance to others,” lalo na kung ang goal ay ang ultimate mission na “healing the inner child.”

Sa nakakaaliw na TikTok video ni Khlevin Devahhh, bida ang pinakahihintay na bahagi ng handaan: ang pabitin. Makukulay ang premyo, game ang mga bata, pero mas game pa si Khlevin.

Sa clip, makikitang kahit may edad na, certified child at heart pa rin ang uploader kaya tinodo na niya ang pagsali sa pabitin. May stretching muna bago sumugod, tapos sunod-sunod na hablot ng premyo na parang finals ng palaro. Sa sobrang gigil, parang life or death ang laban sa kendi at laruan.

Pabiro pa niyang caption, “Healing my inner child while killínğ one,” na nagdala ng laughtrip sa netizens.

@khlevin_devahhh

Healing my inner child while killínğ one.

♬ original sound – Raul Cimafranca Polego Jr.

Aliw na aliw ang netizens at bumuhos rin ang witty reactions sa comments:

“NA PARA BANG GOLIATH VS DAVIDS ANG ATAKE”

“Tinapos agad yung video, di sinama yung inararo nya yung mga bata Hahaha”

“mosquito division tas may bubuyog”

“Mi natatawa ako mi kahit bagong gawa yung ilong ko HAHAHHAHA”