Para sa Pinay na lolang ito, hindi uso ang mga katagang “ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.”
Sa viral video ni @calalily8_8, parang eksena sa “Harry Potter and the Chamber of Secrets” ang taguan ni Lola ng kanyang mga delata. Imbes na magic wand, bolo knife ang gamit para mabuksan ang kanyang “cabinet of canned secrets.”
@calalily8_8 HAHAHAHAHHAHAHA PARA D MANAKAW😋 #nothingbeatsajet2holiday #fyp ♬ Jet2 Advert – ✈️A7-BBH | MAN 🇬🇧
Tuwang-tuwa ang mga netizens sa eksenang ito at di mapigilang humirit ng mga witty comments:
“tanggalin nyo po yung labels para literal na chamber of secrets HAHAHAHAHAHAHA”
“Hoarding ba si Lola? Para sa Zombie Apocalypse?”
“eto na po ba yung Yamashita’s treasure??”
“Grandma opening the chamber of secrets”