Ginalingan namang maigi ng Hard Rock Café ang pagpapakita ng kanilang commitment sa pagiging pet friendly dahil sa darating the Global Cat Day ay magtatampok sila ng isang awareness seminar tungkol sa pag-aalaga ng mga pusa.
Sa October 16, nakipag-tie up sila sa Makati Animal Medical Center para sa “It’s All About Meow Global Cat Day Awareness Seminar” mula 1-4 pm. Sa seminar, inaasahang ibabahagi ni Dr. Apol Joan Gimpayan ang iba’t ibang paraan para mapanatili ang kalusugan ng mga pusa, anumang lahi ang mga ito.
Dahil on site ang event, limited lamang ang seating pero lahat ay welcome dito, ayon sa Hard Rock.