Kung ang ibang couples ay ayaw mag-sorry sa kanilang mga pagkakamali, iba naman ang areglo ng mag-asawang sina Doc Richard at Erika Mata dahil kahit sa panaginip lang ni Doc Erika nambabae si Doc, maagap itong humingi ng paumanhin sa kanyang misis.
Nag-sorry din si Doc sa kanyang asawa dahil noong tumawag siya dito para tanungin kung may ipabibili ito sa mall, at wala itong bitbit pauwi, hindi niya na anticipate na dapat kahit wala itong ibilin ay may inisyatibo siya na maguwi ng pasalubong.
“Gusto ko sana gumawa ng public apology para sa aking misis dahil nagkaroon ako ng ibang babae sa kanyang panaginip. Masyadong nasaktan ko ang kanyang damdamin at di ko lubos maisip bakit ko nagawa yun sa iyong panaginip. I’m really sorry, mahal,” aniya.
“At isa pa yung kahapon, nung nasa mall ako, napadanan ako ng mall, tumawag ako sa iyo at tinanong kita kung may gusto ka ba na bilhin ko. Ang sabi mo, wala. Kaya umuwi ako na wala akong dala,” dagdag niya.
