Para sa millennial artist na si Kitchie Nadal, happy siya na makasalamuha ang Gen Z na ngayon pa lang nakakakilala ng kanyang musika.
Sa kanyang post, inamin ni Kitchie na masaya siyang tawaging “Motherko,” “Mima,” “Mamshh,” “Mother,” “Mami,” “Motherkitchie” ng mga batang music lovers ngayon dahil aminado naman siya na kabilang siya sa naunang henerasyon.
Masaya din siya na marami ring mga Gen Z music lovers ang nakaka-appreciate sa kanyang mga kanta na nagsilbing anthem ng maraming millennials noong kanilang teenage years at early 20s.
“I couldn’t be happier transforming from Pop Rock Princess into your very own Mother Rocker ” aniya.