Happy lunggsss! Mga Pinoy pinakamasayahing social media users sa Asya

Pinatunayan ng mga Pinoy na lahat ng bagay ay kayang harapin sa positibong pananaw.

Likas sa mga Pinoy ang pagiging masayahin at kahit baon na sa problema ay dinadaan pa rin sa biro ang mga bagay-bagay. Kahit sa mga social media posts, ipinapakita ng mga Pilipino ang positibong pananaw sa paggamit ng emoji.

Kaya naman sa isinagawang analysis ng Bored Panda sa 30 milyong geotagged tweets, hindi nakakagulat na ang mga Pinoy ang nangunguna sa Asya sa paggamit ng LOL o laughing emoji, bagay na nagpapatunay ng likas na sense of humor ng mga Pilipino.

Hanggang sa thread, nagbibiro pa din ang ilang Pilipino na kung isinali pa ang mga terminong tulad ng chos at charot ay baka mas mataas na porsyento pa ang ating nakamit.