Happy fangirl talaga ang peg ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia dahil matapos matupad ang kanyang wish na makapanood ng Olivia Rodrigo concert sa Philippine Arena ay nakatanggap pa siya ng special surprise mula sa kanyang idol.
Sa isang post, ibinahagi ni Marian na nakatanggap ng special birthday gift ang kanyang anak mula mismo sa half-Pinay pop star kaya naman sobrang saya talaga nito sa kanyang kaarawan.
Ani Marian, hindi nakapagtataka kung bakit napakaraming tagahanga ni Olivia dahil napakabait nito sa kanyang mga young fans tulad ni Zia.