Happy family: Couple na nagdala ng stuffed toys sa Simbang Gabi, pinusuan ng netizens

Kinaaliwan ng netizens ang isang couple na naispatang may dalang stuffed toys habang nasa Simbang Gabi.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagmistulang one big happy family ang peg ng isang couple na namataang may dala-dalang stuffed toys habang umaattend ng Simbang Gabi.

Sa TikTok video na ibinahagi ni Joe (@jodie.2430), makikitang nakaupo ang dalawang nagsisimba nang biglang pumaling ang camera sa kanila at nag zoom-in sa mga stuffed toys na kasama nila, kabilang ang isang penguin at dinosaur.

@jodie.2430 #simbanggabi #foryourpage ♬ Bibingka – Ben&Ben

Hindi napigilan ng mga netizens na kaaliwan ang cuteness overload na eksena, na tinawag pa ang mga stuffed toys na parang mga “anak” ng couple.

“anak nila yan, nag simbang Gabi as family”

“so cote 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭”

“cutieee🥹🥹🥹”

“AAAAAAAAAAAAAAAAA 😩”

“🥰🥰🥰🥰🥰🥰”