Naging happy talaga ang birthday ng komedyanteng si Dennis Padilla nang makatanggap ng pagbati mula sa kanyang mga anak na si Leon at Julia Barretto.
Ibinida ni Dennis ang message ng kanyang anak na si Leon, na kahit maikli ay very heartfelt naman. Sinagot naman ito ng ama na sana ay makapag-dinner sila soon.
Nagpaabot din ng pagbati si Julia na hiniling din ang mabuting kalusugan at maraming blessings para sa kanyang ama. Niyakag din ito ni Dennis na mag-dinner kapag ito ay nakalibre na sa mga sunod-sunod nitong schedule.
Malaking bagay para kay Dennis ang pag-reach out ng kanyang mga anak sa kanyang kaarawan dahil dating napabalita na may tampuhan ang mag-aama.