Handwriting na pang-bayani? Estudyante, viral dahil sa kanyang Jose Rizal-level na sulat-kamay

Namangha ang netizens sa isang binatang estudyante dahil sa kanyang mala-Rizal na penmanship.

Sa panahon ngayon na puro gadgets na ang hawak ng kabataan, bihira na ang may perfect handwriting, lalo na kung cursive pa.

Kaya naman kinabiliban ng madlang netizens ang isang estudyante na may sulat-kamay ay naihalintulad sa penmanship ni Jose Rizal.

Sa isang TikTok post, ipinakita ni user @angel_trd ang isang notebook ng kanyang boy bestfriend na si DG. Puno ito ng notes na dikit-dikit ang pagkakasulat na para bang nag-reincarnate ang Pambansang Bayani.

Hindi rin napagilan ng uploader na magbiro sa kanyang caption sa video: “POV: BBF mong kalahi ni Jose Rizal.”

@angel_trd @Dg JOSE RIZAL YARN😭 BWHAHAHAHA #joserizal #handwriting #fyp #bbf #fyp #fyppppppppppppppppppppppp ♬ original sound – @EDitz*

Agree naman ang netizens sa description ng uploader at marami rin ang napa-sana all sa pambihirang sulat ni DG:

“nakaka inggit talaga yung Jose Rizal handwriting, nakaka inggit kanamn boy🙁”

“Ahm it do exist, cursive writing do exist :))”

“he’s the only guy I saw who’s handwriting is clean”

“gangsta na kalahi ni jose rizal😭”