Masayang ibinandera ng P-pop girl group BINI ang kanilang handmade na kasuotan kamakailan nang mag-guest ang mga ito sa ASAP.
Gawa ng mga taga Bohol ang suot na makukulay na ginantsilyong damit ng BINI sa kanilang “Pantropiko” performance sa nasabing show. Proud na proud naman na ibinida ng Cora & Cecila, ang may-ari ng shop, ang behind-the-scene photos sa pagbuo ng kakaibang outfits ng sikat na grupo.
“A glimpse from making these pieces in our little corner. THANK YOU TEAM for 4 days of sleepless nights, twas all worth it!” sinabi ni Cora & Cecilia owner Ycel Sombrio sa kanyang Facebook post.
Ginawa ang mga kasuotan ni BINI sa pamamagitan ng pag-ganchilyo o crochet, ani Ycel.
Umabot na sa 14,000 shares at 52,000 hearts ang behind-the-scenes post ni Ycel, na kinagiliwan naman rin ng mga Blooms.