Laugh trip ang hatid ng pahabol na costume ni Maine Mendoza-Atayde sa Halloween party ng TVJ.
Paano ba naman, imbes na karirin ang nakakatakot na costume at nagdamit ito bilang aktwal na roller coaster. Kuhang-kuha ni Maine ang emosyon ng mga sumasakay sa makalaglag-pusong ride kaya’t aprubado naman sa mga netizen ang naging desisyon nya.
Nangabog naman si Kapuso star Kyline Alcantara sa kanyang Night King costume sa ginanap na Sparkle Ball ng GMA na may temang Halloween. Nagpa-pictorial pa si Kyline para makumpleto ang kanyang get up.
Napag-tripan naman ni Andrea Brillantes at ng kanyang tropa na maging Mean Girls nitong Halloween at kuhang-kuha naman ni Blythe ang pagiging Regina George.
Hindi pa nakuntento, dinagdagan pa ni Andrea ng isa pang pasabog na costume ang kanyang Halloween entry bilang isang manananggal sa “Shake Rattle and Ball” event.
At syempre, hindi naman nagpahuli si Sam Cruz Montano, anak ni Sunshine Cruz at Cesar Montano bilang si Britney Spears na kakalabas pa lang ng memoir nitong nakaraang linggo.