Kahit mahirap maging guro, marami pa rin ang pumipili na magturo dahil hindi boring ang trabahong ito. Lalo na kapag ang tinuturuan ay mga makukulit na batang kung ano-ano ang naiisip.
Sa isang video post ni Inday Kalipay, makikitang nagtuturo siya ng leksyon tungkol sa mga iba’t ibang role ng mga miyembro ng pamilya. Una niyang itinanong ang tungkulin ng ama at nagbigay siya ng clue na ang tatay ay isang “hali___.”
Mabilis namang sumagot ang mga bagets at nagpaunahan pang dugtungan ito ng “maw” para maging “halimaw” ng tahanan, at dito na nagsimula ang katatawanan.
Nang tanungin naman niya kung ano ang ina sa tahanan, may sumagot na “iwan” at “ibon” dahil nga naman nagsisimula sa letter “i” ang sagot. Marami ding suggestion ang mga netizen na nagsipag comment sa video.
“Hajahaha kalokang mga bata toh yung tatay halimaw tpos ngayon c nanay ibon nman cguro lupad dito lipad dun c mader”
“Hahaha! Never a dull moment with little students, and they tell the truth🤣🤣🤣”
“Cguro laging Galit ung tatay nung bAtang sumagot ng halimaw ganun n paningin nya sA tatay nya”
“Baka lumilipad si nanay sa Gabi . Kaya akala nya ibon tawag dun tas si tatay nmn halimaw. My mga lahi”
“mas maganda parin ang mga Nanay ay ang INGAY ng tahanan”
“omg Iwan SI nanay”