Maraming naniniwala na ang buhok ay ang kanilang crowning glory, at dito madalas nagmumula ang kanilang self-confidence. Ito ang naging inspirasyon sa likod ng Tokyo Posh Hair Extensions na itinatag ng entrepreneur na si Denise Aquino.
Hindi ni Denise inaasahan na magiging hit ang kanyang hair extension business na sinimulan niya noong 2007 habang nag-aaral siya ng fashion design sa Tokyo, Japan. Doon nakita niya na ginagamit ang hair extensions bilang accessories sa fashion na parang bag o makeup.
“They use hair to express themselves. So like for example, today you want to look chic, so you put your hair up in a bun. Tomorrow, you want to look like very girly, you want to put your hair long, wavy and curly…So that’s how they treat hair. It’s an accessory that they change on a daily basis depending on what they feel or the look that they want to portray that day,” ani Denise sa panayam ng Philstar.com.
Kaya pag-uwi sa Pilipinas, sinimulan ni Denise ang pagbenta ng hair extensions mula sa kanilang bahay at agad itong naging patok sa mga Pinay.
Noong 2009, nagdesisyon siyang magbukas ng unang branch ng Tokyo Posh Hair Extensions sa SM Pasig, malapit sa Tiendesitas. Isang taon lamang ang lumipas, nakapagbukas siya ng pangalawang branch sa Powerplant Mall sa Makati.
Sa kabila ng pagsubok ng COVID-19 pandemic, patuloy na umunlad ang kanyang negosyo at ngayon ay mahigit 15 taon nang nagbibigay ng serbisyo sa mga Pinoy.
Masaya si Denise na marami siyang natutulungang kababaihan na mas maging confident sa pamamagitan ng hair extensions.
“When I started this business, just the hair, that by changing something simple, by just changing your hair, you realize you can be anyone you want to be, right?” ani Denise.

