HAESOO ship, nabuhay nang padalhan ng food truck ni Jung Hae In ng food truck si BLACKPINK Jisoo

Dahil parehong single na ulit ang mga dating bida ng “Snowdrop,” kinilig ang mga fans sa sweet gesture ni Jung Hae In kay Jisoo.

Nabuhayan na naman ng loob ang mga shippers ng “Snowdrop” on screen couple na sina Jung Hae In at BLACKPINK Jisoo nang magpadala ang huli ng food truck sa set ng bagong project ni Jisoo, ang zombie drama na “Influenza.”

Sa kanyang Instagram story, ibinida ni Jisoo ang pinadalang food truck ng kanyang dating on-screen partner, dahilan para umasa na naman ang mga faney na may something special na namamagitan sa dalawa.

Sa kasagsagan ng “Snowdrop,” marami ang nagsimulang magreto sa dalawa dahil sa kanilang kakaibang chemistry. Dumalo din si Hae In sa ilang concerts ng BLACKPINK, dahilan para kiligin ang HAESOO shippers.

Matatandaang panandaliang naiugnay si Jisoo sa K-drama actor na si Ahn Bo Hyun nang aminin ng kanilang mga agency na nagde-date ang dalawa. Sa loob lamang ng ilang buwan ay naghiwalay din sila dahil sa kanilang mga busy schedule.

(credit Jisoo/ Instagram Stories)