Para sa mga ikakasal, importante na maging espesyal ang okasyon ng proposal. Lahat na ata ay ginagawa ng magpo-propose para gawing mas personal at heartfelt ang kanyang pagtatapat.
Pero si Jerald Napoles, ginalingan talaga dahil siya pa mismo ang nag-aral gumawa ng jewelry para personal na gawin ang engagement ring para sa fiancé na si Kim Molina.
Proud na ibinida ni Kim sa kanyang Facebook reels ang efforts ng kanyang jowa na gawing espesyal ang kanyang engagement ring na kung ang ibang tao ay nagpapa-customize lang, si Jerald ay literal na nag-effort para sa singsing.
Sa video, ipinakita kung paano niya tinunaw ang gold, hinubog, niliha at dinesign ang engagement ring na nakakabilib naman talaga. Bago siya mag propose, tinawagan niya din ang mga magulang ni Kim sa ibang bansa para ipakita ang singsing at hingin ang kamay nito.
Ani Kim, talagang sweet daw talaga si Jerald kaya naman love na love niya ito.
At hindi lang yun, kahit hataw ang bagyo, ibinahagi niya na isinama siya nito sa UP upang mamili ng lahat ng klase ng prutas bilang praktis daw pag siya ay naglilihi na. Natawa naman si Kim at sinabing ikakasal pa lang sila pero advance na mag-isip ang kanyang soon-to-be mister.