Feling K-drama aktres yaaarn?
Dalawang bodyguards na kinuha pa mula South Korea ang nagbantay sa aktres at komedyanteng si Melai Cantiveros kamakailan sa presscon at premiere night ng pelikula niyang “Ma’am Chief: Shakedown in Seoul.”
Pero taliwas sa nakikitang mga seryosong mukha ng mga bodyguard sa South Korea tuwing nagbabantay sila sa mga K-pop idol at K-drama stars dahil kay Melai ay nawala ang pagka “astigin” nila.
Paano ba naman, madalas silang lokohin ng aktres na kunwari ay natitisod o nadadapa.
“Nakakahiya, sinusundan nila ako kahit saan ako magpunta,” sabi ni Melai sabay biro na mas mukha pa daw siyang bodyguard kumpara sa kanila.
“Grabe ang mga bodyguard ko, ang guguwapo,” medyo kinikilig pa niyang sabi.
“Tinesting ko lang kung gaano talaga ka-protective ang mga bodyguards sa Korean na napapanood ko sa K-drama,” dagdag pa niya.
Natawa naman ang mga netizens sa video ni Melai matapos nitong “mag-inarte” sa dalawang bodyguards.
“Napatawa mo ako momshie melai, nawala pagod ko!” sabi ng isang netizen.
“Patawa ka talaga momshie melai! Totoo pala ‘yung mga super protective ang mga Koreanong bodyguard.. Good job po!,” saad naman ng isa.
“Good vibes tlga ang Melai haha!” ayon naman sa isang netizen.