Iba talaga ang level ng mga fans ni Nadine Lustre dahil naipadala pa nila ang impluwensiya ng internet’s president sa Africa.
Sa isang post ng TikTok channel ng Nuidance, nag-pa-video greeting ang grupo ng mga Aprikanong tribal group para kay Nadine, with matching placard at picture ng FAMAS award-winning actress at activist.
Hindi pa natapos sa greeting at may pa-kiss pa ang mga miyembro sa larawan ni Nadine. Sa sobrang aliw ay ni-repost pa nga ito ng makeup artist ni Nadine na si Jelly Eugenio.
@niudance.com #nadinelustre #nadinelustrefan Happy birthday Nadine Lustre @Nadine Lustre ♬ original sound – Niudance.com
“Si mowm kung saan-saan na umabot jusko HAHAHAHAHA”
“she’s the president of the Philippines”
“She is the nation’s ✨ Mowm / President ✨”
“Feeling ko si jelly may pakana nito coz ni-repost niya 😭”
“Feeling ko tawang-tawa si mowm pag Nakita to, laro HAHAHAHAHHA”
Ang Nuidance ay isang grupo ng African content creators na nagpo-produce ng specialized greetings maging original videos sa kanilang page.