Hindi maubos ang kilig ng mga K-drama fans kay Hyun Bin sa pahayag niya tungkol sa kanyang asawang si Son Ye Jin at sa kanilang anak.
Ang celebrity couple, na unang nagkasama sa pelikulang “The Negotiator” at nagsama sa smash hit the “Crash Landing on You” bilang Captain Ri at Yoon Se Ri ay nagpakasal isang taon makalipas ang kanilang teleserye at ngayon ay may isang anak na.
Sa kanyang paglalahad, sinabi ni Hyun Bin na simula nang siya ay mag asawa ay hindi niya inuuna ang kanyang sarili sa kanyang listahan ng kanyang prayoridad.
“My wife is the queen, My son is the crown prince,” aniya sa host na si Dong Yup kahit nakainom na ng ilang bote ng alak.
Hindi naman makapaniwala ang mga fans sa sobrang swerte ni Son Ye Jin sa kanyang buhay may asawa.
“Yoon Se-ri was right. Ri Jeong-hyuk, you shouldn’t go drinking anywhere. The after-party is so cute”
“Is there such a good and serious top star?? LOL Hyun Bin and actress Son Ye-Jin are bound to be a perfect match.”