Grabe si Ante! Mga mahilig magkape, triggered sa LOL video ni Davao Conyo

Walang maisagot ang mga tinamaan sa pinakabagong video ni Davao Conyo tungkol sa kape.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kadalasan, hindi pa agad pinagkakape ang mga bata dahil sa mataas na caffeine level nito. Hindi din ito ipinapayo ng mga ekperto dahil maaari itong mag trigger ng blood pressure, nerbyos at problema sa tiyan.

Ngunit sa isang nakakatawang video ni Davao Conyo, iba ang dahilan na ibinigay ng isang magulang sa kanyang anak kung bakit bawal pa siya nito.

Sa isang kunwaring senaryo ay isang bata ang nagtanong sa kanyang ina kung bakit bawal sa kanya ang kape kahit na ang nakasakay nila sa elevator ay umiinom nito.

Imbes na sabihing bawal sa bata ang kape, naglitanya ang nanay ng maraming hugot tungkol sa pagiging dependent sa kape tulad ng maraming kabataan. Ani ng nanay, sa dinami-dami ng nilalaklak na kape ng mga tao e wala pa rin naman silang natatapos na gawain. Binembang din ni mommy ang mga tumatambay sa coffee shop para lang sa clout.

Madami naman ang tinamaan sa linyahan ni ante:

“Huuyyy! Grabe! The silence is too loud. Hindi ka naka-comeback doon. Hahaha.”

“Ano ba???!!! Yan na Lang kasiyahan ko ang KAPEEEE!!!!”

“Hahahahahha ung d k man lng makpag rebut”

“Asan yan si ante? Kailangan namin mag usap”

“Mabubusalan ko to ng kapeinaano ka naming mga kopi laber”

“Panurin ang buong video para malaman kung masasapul ka rin.”