Grabe kayo sa tindera! Mga uri ng kilay na drawing ng isang estudyante, viral sa katatawanan

Isang inosenteng drawing ng isang bata tungkol sa mga uri ng kilay ang nag-viral dahil sa katatawanan na dulot nito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

May kasabihan na kilay is life kaya naman pati tuloy ang mga bata ay nagkakaroon na ng interes dito.

Nag-viral ang isang drawing na ginawa ng isang bata kung saan inilarawan niya ang iba’t ibang porma ng kilay na naobserbahan niya sa mga tao sa kanyang paligid.

Naroong iginuhit niya ang kilay ng mga drag queen na talaga namang todo ang arko para sa impact. Sa mga estudyante naman ay may arko pero very slight lang. Iba din ang kilay ng mga nanay na medyo strikto pero on fleek pa rin.

Ang hindi kinaya ng mga netizens ay ang mga kilay ng mga tindera sa canteen na talagang isang guhit na lang.

“Grabe ung tindera sa canteen”

“Sana all marunong magkilay”

“pak sa mga students”

“Grabe kayo sa tindera haha”