Grabe kay father! Nakakatawang palitan ng Mototaxi driver at anak ng pasahero, patok sa netizens

Maraming panot ang umalma para sa ama ng isang customer ng ride sharing app.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw ang mga netizens sa naging palitan ng driver at ng anak nitong nag book sa isang ride-sharing app tungkol sa kanyang ama.

Paano ba naman, napaka-brutal ng deskripsyon ng anak sa kanyang ama na medyo napapanot na. Sa kanilang convo, ibinilin ng anak sa driver na hindi siya ang sasakay kundi ang kanyang tatay, “ang panot” na naghihintay sa labas ng kalsada.

Mabilis naman ang naging responde ng driver at parang balewala lang ang panlalaglag ng anak sa kanyang ama.

Sa comments section naman, mga netizens na ang pumalag para sa kanyang ama.

“Tay, panahon na po siguro para magpalit kayo ng anak”

“Malaki po noo nya, tapos tumatawa po mag isa”

“grabe naman sa panot”