Sabi nga nila, “God works in mysterious ways,” at sa isang kasalan sa Tagaytay City kamakailan ay muling napatunayan ito.
Sa isang TikTok video na ibinahagi ni Zshantal Dianne Sangalang De Roxas, makikitang naglalakad na sa aisle ang mga magulang ng bride sa isang wedding sa Palacio Cristal del Aquila, hudyat na ang kasunod ay ang pinakaabangang grand entrance ng bride pero halos wala nang makita ang mga guests dahil sa sobrang kapal ng hamog.
“Ito yung moment na naglalakad na yung parents ni Bride, sobrang kapal ng fog na halos wala na makita. Kaya kabado ang lahat kasi baka hindi makita si Bride,” ang kwento ng uploader.
Pero sa isang iglap, nang maglalakad na ang bride na si Ina, nawala na lang ang makapal na hamog at lumiwanag ang paligid na parang parte lang ng special effects ng kasal.
“Grabe yung moment na ito, iba talaga pag si Lord ang kumilos. 🥹 Nakakakilabot at nakakamangha. Sobrang saya!! 🤍” dagdag pa niya.
@zshandjsd Grabe yung moment na to, iba talaga pag si Lord ang kumilos. 🥹 Nakakakilabot at nakakamangha. Sobrang saya!! 🤍 Cheers to the newly weds 🫶 #fyppppppppppppppppppppppp #bride #groom #wedding #onceINAlifetimewithIAN ♬ original sound – Zshan
Tulad ng uploader, namangha rin ang mga netizens sa ganap na natural special effects ng kasal:
“I was there and was amazed by God’s miracle. Everyone was clapping and was really amazed nung nawala yung fog sabay ambon ng konti. It was very dramatic. Grabe si Lord!!!”
“God really works in mysterious ways and it was spectacular. 💗🤍”
“Mas lalong naging magical at romantic ang wedding ❤”
“Supplier din talaga nila yung fog! 😭😂”
“Nabayaran yung fog 😳😂❤️❤”
“Para bang may natural smoke machine 😭😭 may reveal hahaha”
“Grabe ka talaga Lord! 🥹🩷🌸”