Goodbye, balls! Mga pusang kinapon, nag celebrate ng kanilang huling Father’s Day

Aliw ang mga netizen sa itsura ng mga pusang nag-celebrate ng kanilang huling Father’s Day dahil sa kapon.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa mga responsableng pet owners, isa ang pagkakapon sa mga dapat nilang gawin upang malimitahan ang populasyon ng mga aso at pusa na kanilang inaalagaan. Ito rin ang isa sa mga paraan para mapanatili sila sa mabuting kalusugan at humaba ang kanilang buhay.

Aliw ang mga netizens sa isang larawang pinost ng PPBCC or Philippine Pet Birth Control Center, isang organisasyong nagsasagawa ng low-cost kapon, nang ipakita nila ang ilang larawan ng bagong kapong mga pusa noong araw mismo ng Father’s Day.

Sumakto sa okasyon ang isinagawang kapon project upang masiguro na huling Father’s Day na ng mga maliligalig na muning.

Sa comments section, panay naman ang kantiyaw ng mga pet parents

“the end of pototoys day”

“Tanggal na ang balls forever ng di magiging tatay”

“etoh ung amang walang pang sustento eh at least daw naging ama sya”

“Happy final father’s day sayo ming”