Good vibes lang! Videos ni Aljur Abrenica habang kumakanta, ginawan ng memes at remix ng netizens

Patok na patok ngayon ang mga singing videos ng aktor na si Aljur Abrenica na ginawan pa ng iba’t ibang memes at mga nakakatawang reaksyon online.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Laman ngayon ng iba’t ibang social media platforms ang mga viral memes ng pagkanta ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica. Mula sa kanyang mga mall show performances hanggang sa mga clip na kuha ng mga tagahanga, mabilis na kumalat online ang mga video kung saan maririnig siyang game na game kumanta sa harap ng crowd, kahit pa may mga nagsasabing medyo sintunado raw.

Ngunit sa halip na ma-bash, tila good vibes ang naging reaksyon ng netizens. Ginawan pa ng iba’t ibang memes, auto-tune remix, at “alarm clock” edits ang mga video ng aktor.

Isa sa mga viral videos ay ang upload ni @‌kuyabars08 kung saan pang-tagay ang kanyang setup at malaro niya itong inedit kung saan katapat niya ang aktor na kumakanta ng “She Will Be Loved” ng pop band na Maroon 5.

@kuyabars08 Tagay na puro kanta! #kuyabars #fyp #foodcontent ♬ original sound – kuyabars – Kuya Bars

Naaliw ang mga netizens sa pabirong atake ng uploader:

“aljur asan na mahiwagang mic mo😁😁😁”

“literal na pinaupo sa inuman”

“HAHAHAHAHAHAHAH nakakapit pa yung paa sa upuan eh”