Good vibes lang! Pilipinas, pangalawang ‘pinakamasaya’ sa Southeast Asia—report

Pumangalawa ang Pilipinas sa pinakasamayang bansa sa Southeast Asia, ayon sa 2024 World Happiness Report.

Sa kabila ng mga problema sa buhay, kilala sa pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay ang mga Pinoy.

Kaya naman sa “2024 World Happiness Report,” nasa ika-53 ang ranking ng Pilipinas at pangalawa sa “happiest” countries sa Southeast Asian region.

Ayon sa pag-aaral, “generally happy” ang naging sagot ng mga Pilipino nang i-rate nila ang kanilang buhay sa sukat na mula isa hanggang 10. Na-calculate ang average score ng bawat bansa base sa ratings nito sa loob ng nakalipas na tatlong taon.

Nangunguna ang Singapore, na nasa 30th spot sa global rankings, sa kanyang mga kapitbahay sa Southeast Asian region. Sumunod sa Pilipinas ang Vietnam (54th), Thailand (58th), Malaysia, 59th, Indonesia (80th), Myanmar (118th) at Cambodia (119th).

Ayon sa ulat ng Philstar.com, si Professor Jan-Emmanuel De Neve ang nag-edit ng annual global report, isang expert sa economics and behavioral science sa University of Oxford.