Nalaglag man sa patibong dahil sa hindi inakalang prank, to the rescue naman ang mga Good Samaritan nang magpaabot ng tulong sa isang lalaking nabiktima ng isang masamang biro para sa April Fools’ Day.
Dinagsa ng mga mensahe mula sa mga netizens na nais tulungan si Ramil Albano, ang lalaking nagpatattoo ng logo ng isang tindahan ng takoyaki sa kanyang noo.
Bumuhos ang tulong kay Ramil matapos sabihin ng tindahan ng takoyaki na isang prank lamang ang kanilang post kung saan sinabi nitong magbibigay sila ng P100,000 sa sino mang magpapatattoo ng logo nila sa noo.
To the rescue naman ang maliit na food business na ChizMozza at nagpaabot ng tulong kay Ramil.
“Hi Kuya! It’s not an April Fools joke, but here’s a P10,000 for you! We may not be the brand tattooed on your forehead, but your dedication to win makes you a winner for us. Send us a message with proof that you’re the person in the photo with the tattoo on your forehead to get details on how to claim your prize. Congratulations!” ayon sa
Facebook post ng ChizMozza.
Binatikos ng mga netizens ang Taragis Takoyaki dahil sa kanilang “iresponsableng” pag-prank sa kanilang mga followers. Patutsada pa ng mga netizens, hindi dapat pinaglalaruan ang damdamin ng mga taong nais maghanapbuhay lang.
