Viral sa TikTok ang isang Good Samaritan matapos niyang bigyan ng Php100 ang grupo ng mga estudyanteng nag-aambagan para makakain sa isang fast food chain sa Batangas.
Sa video ni TikTok user @prttyraii0, makikitang abala silang magkakaibigan sa pagkwenta ng pera nang biglang mag-abot ng Php100 ang isang babae mula sa katabing table. Gulat na gulat ang magbabarkada, at maririnig pa ang isa sa kanila na nagsabing, “Huy, pwede ka nang kumain.”
Ayon kay @prttyraii0, nagkayayaan silang mag-McDonald’s pero anya, hindi pa sila nakakapasok sa restawran ay sinabi niyang hindi siya kakain dahil sakto lang ang baon niya para sa susunod na araw.
“Nung nasa 40 na ang bilang nag abot si ate ng 100 at sabe ‘share share kayo’ tapos bigla kaming nagulat,” kwento pa niya.
“Then tinawag pa naming siya para ibalik yung pera pero dere-deretso yung babae pero nag thankyou naman kami,” dagdag niya.
Kwento naman ng kanyang kaibigang si @_rilrilll, hindi siya na-offend sa ginawa ng ate. “Sadyang nagulat lang ako nung nag-abot siya samin ng 100 dahil hindi naming siya kilala,” aniya.
@prttyraii0 Replying to @. #makeitviral #foryoupage ♬ original sound – R
Inulan naman ng papuri ang hindi pa nakikilalang Good Samaritan, at maraming netizens ang humanga sa kanyang random act of kindness:
“That’s actually so sweet of her, probably thought na kulang pambayad niyo 😭
“act of kindness, domino effect now its your turn kapag meron kana din ❤️”
“oh alam nyo na pag kayo naman ang may trabaho na … pay it forward”
“just be thankful and pay it forward ☺️☺️☺️”
“maybe she’s doing acts of charity kasi kuwaresma”
“She did it out of her good heart. No malice or any intention. Take it as God’s blessing, using one of her angel here on earth. Be grateful. There’s still kindness everywhere 😊💕”
@prttyraii0 #CapCut #makeitviral #foryoupage ♬ original sound – jnrs🎀👊🏻 – jnrs^^