Good job! SM Malls, nagbigay ng free overnight parking, WiFi at charging sa mga customer na nakisilong

Nanatiling bukas ang ilang SM Malls para magbigay ng ligtas na lugar at pahingahan para sa mga na-stranded sa baha at ulan.

Kinabiliban ng maraming Pilipino ang inisyatibo ng ilang mga malls na nanatiling bukas para sa mga na-stranded dahil sa lakas ng ulan at taas ng baha dulot ng bagyo.

Ilang branch ng mga mall ng SM ang nag anunsiyo na mananatili silang bukas upang magsilbing pahingahan ng mga stranded at sinabing malaya din silang gumamit ng libreng WiFi at mga charging stations para sa kanilang gadgets.

Ani SM, libre din ang overnight parking para sa mga sasakyang hindi makakabiyahe dahil sa taas ng baha. Nanatili ding bukas ang ilang bahagi ng mall para sa mga kakailanganin ng mga nagpapalipas ng baha sa kanilang building.

Ikinatuwa naman ng mga customer ang ginawang ito ng SM dahil sa pagmamalasakit na ipinakita nila sa kanilang mga mamimili sa gitna ng sakuna.

“SM BACOOR siguradong lalo kayong tatangkilikin ng mga tao dahil sa ipinadama ninyong pagmamahal sa panahon kailangan nila ng tahanan na masisilungan, mabuhay po kayo!”

“Good job SM sana lahat ng branch ganito”

“Good job SM. GOD bless”