Good job, Piso! Aso ni Eric Fructuoso, kayang gayahin ang tunog ng motor

Nakakaaliw ang ipinakitang talento ng asong si Piso nang ipagaya sa kanya ng kanyang furdad na si Eric Fructuoso ang tunog ng motor.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Giliw na giliw ang mga netizen sa alagang aso ng artistang si Eric Fructuoso na aral na aral sa mga tunog ng motorsiklo.

Sa kanyang maikling video, ipinakita ni Eric ang talento ng kanyang alagang si Piso nang utusan niya itong gayahin ang tunog ng motor na umaadar.

Maya-0maya pa ay ginaya naman ng aso ang tunog ng isang big bike at para magawa ito, mas nilakasan ng aso ang kanyang pag ungol.

“Yung sa bigbike parang sa Ducati street fighter e haha,” komento ng isang netizen.

Eric Fructuoso/FB

“Ang galing ni Piso!!!”

“Talentado tlga piso”

“Magaling magaling. Haha. Di kaya galit lang si piso haha”