Good job, kid! 8-anyos na bata sa Ilocos Norte, pinagkakaabalahan ang paghahabi imbes na gadget

Ginagawang produktibo ng batang si AC ang kanyang oras sa pamamagitan ng paghahabi bilang pagbigay-pugay kay National Living Treasure Magdalena Gamayo, ang tinaguriang Ilokana master weaver ng telang inabel.

Kung karamihan sa mga bata ngayon ay madalas nakatutok sa gadgets, si Andrea Claire Claro o mas kilala bilang “AC,” naman ay madalas kaharap ang mga wooden looms at mga sinulid at nilalaan ang libreng oras sa pag-aaral ng paghahabi.

Sa isang liblib na baryo sa Lumbaan-Bicbica sa Pinili, Ilocos Norte, ang walong taong gulang na si AC ang pinakabatang weaving trainee sa Gawad Manlilikha ng Bayan (GAMABA) Cultural Center.

Ang kanyang layunin? Matutunan ang art of inabel weaving upang bigyang-pugay ang 99-anyos na National Living Treasure na si Magdalena Gamayo, ang tinaguriang Ilokana master weaver ng telang “inabel.”

Kilala rin bilang “Lola Dalen” ang tinitingalang eksperto sa paghabi sa kanilang komunidad.

Nang nalaman daw ni AC na may pa-training si Lola Dalen, siya mismo ang nagsabi sa kanyang lola, na isa ring naghahabi sa GAMABA, na gusto niyang matutunan ang abel weaving, ayon sa ulat ng One PH.

Bilang pagpugay sa ika-100 na kaarawan ni Lola Dalen sa darating na Agosto, nakipag-uganayan ang National Commission for Culture and the Arts sa mga lokal na pamahalaan at Department of Education para magsagawa ng training program sa abel weaving para sa mga estudyanteng tulad ni AC.

Sobrang humanga naman ang mga netizen kay AC:

“Wow its so awesome… Galing mo beh…😍”

“Susunod na benerasyon na yan”

“Ang galing!”

Hinakayat din ni AC ang mga batang kagaya niya na matutunan ang art of abel weaving.