Good doggos! 12 Shih Tzus, kinabiliban dahil sa kanilang disiplina at pagkamadasalin

Isang dosenang aso aprub sa mga netizens matapos magpakita ng disiplina at maging pagkamadasalin.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa mga furmoms at furdads, sobrang saya na nila na maturuan ang kanilang fur baby na maging behaved, disiplinado, at masunurin. Ano pa kaya kung magawa mo ito sa 12 na aso?

Ganito ang ipinakita sa video ni netizen FurMomKhai kung saan makikita ang kanyang 12 Shih Tzus na tahimik at pasensyosong nakaabang sa pagpapakain ng kanilang furmom.

Bukod sa pagpapakita ng disiplina, wala ding reklamo ang mga aso sa pagdarasal muna bago lantakan ang pagkaing handa ng kanilang furmom.

“buti pa mga aso marunong maghintay at magdasal!!!” sabi ni FurMomKhai.

@mommykhai24 buti pa mga aso marunong maghintay at magdasal!!! #fyp #furmommykhai ♬ original sound – FURMOMKHAI PET SUPPLIES SHOP


Kaya naman hindi lang ang kanilang furmom ang bumilib sa mga Shih Tzu kundi maging ibang mga netizens.

“What’s even more impressive is that the dogs understand filipino!!!”

“The one dog closing his eyes during prayer”

“Aawwww the way they pray with you huhu”

“gagaling naman ng mga babies”

“They’re so behaved and the way they look at you while waiting”

“Ang gaganda n mga aso at behave very good”