Hindi lamang mga tao ang naging bayani sa pagkakaligtas ng dalawang bata mula sa mga gumuhong lupa sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro. Dapat ding bigyan ng atensiyon ang mga K9 rescuers ng Philippine Coast Guard na tumulong sa paghahanap ng mga survivors sa Search and Rescue Operation.
Ayon sa Philippine Coast Guard, katuwang ng kanilang rescue team si Appa sa paghahanap ng mga survivors at labi ng mga biktima ng landslide. Isa na dito ang isang tatlong taong gulang na bata na natagpuang buhay sa ilalim ng lupa matapos ang dalawang araw na pagkakabaon.
Ayon sa kanila, ginamit ni Appa ang kanyang training sa ilalim ng Coast Guard K9 Search and Rescue Unit para makapagligtas ng buhay matapos ang sakuna.
“Appa, a highly trained and dedicated member of the Coast Guard K-9 Search and Rescue Unit, has demonstrated exceptional skills in traversing the challenging terrain and aiding rescuers in locating at least 3 cadavers (2 male and 1 female) and a body part of an unidentified individual. In the ongoing efforts, Appa’s keen sense of smell and agility in traversing the terrain have been invaluable,” ani Coast Guard.